|
Hindi naman masamang gamitin ang Dyos sa mga oras ng paghihirap, pero ibang usapan na kapag masyado kang nagiging dependent Sakanya. Minsan ginagamit nalang natin yung pangalan Nya para gawing band-aid sa mga sugat na meron tayo. Ginagamit ng tao yung pangalan Nya para gawing panakip butas sa reyalidad na hindi natin kayang matanggap.
[Flash 9 is required to listen to audio.]
Posted: 4 days ago
midnight-lucidity asked:
Thank you for the follow! :) Very lovely blog. Keep posting! =)
Posted: 4 days ago
Paano kung sabihin ko sa’yong may nalaman akong ginawa mo na bumabaligtad sa lahat ng mga sinasabi mo? Paano kung malaman mong alam kong nagsisinungaling ka? Paano kung nalaman kong sa loob ng lahat ng oras na magkasama tayo e binuhay mo lang pala ako sa sinasabi mong “awa” na dapat maramdaman ko sa’yo? Paano kung isang araw mapanindigan kong sinungaling pala talaga ang tingin ko sa’yo? Pero wala akong gagawin. Wala akong sasabihin. Wala kang maririnig. Wala kang malalaman. At hindi magbabago ang trato ko sa’yo at ang trato natin sa isa’t isa. Hindi ka ba matatakot? Paano kung sa kabila ng magandang reaksyon pagkatpos kong malaman lahat ay may hindi magandang tumatakbo sa isip ko? Paano kung sa mga oras na akala mo ay nagagamit mo ako e mas nagagamit pala kita? Paano kung sa mga oras na akala mo napaparamdam mo sa’king “mahal” mo ako e mas naipaparamdam ko pala sayo’ng “mahal” kita. At paano kung lahat ng ipanapakita mo sa’king hindi totoo e doble ng ipinapakita ko sa’yong hindi totoo? At lahat ng sikreto mong itinatago e triple ng sikretong itinatago ko sa’yo? Paano kung hindi mo pala talaga ako kilala? Paano kung kilala mo lang ako bilang tao na nagbago para lumibel sa pagkatao mo. Paano kung hindi mo kayang abutin kung sino talaga ako? Paano kung hindi mo maiintindihan lahat ng nakasulat sa utak ko? Paano kung isang araw maisip mo na ibang tao pala talaga ako? Hindi ka ba natatakot? Kasi ako, naguumpisa nang matakot sa mga bagay na pwede kong gawin sa’yo.
Posted: 6 days ago
|
||